Written By: ptvj on June 25, 2009 2 Comments

Buhay pa ako, mga friends. Hindi na ako nanonood ng TD. Kailan ba matatapos iyon. LOL. Titignan ko kung okay i-text update and The Wedding, if not May Bukas Pa na lang ang i-a-update ko, tutal January 2010 pa lang naman ata matatapos iyon.  (Or baka naman nanliligaw na si Santino, may show pa rin siya. HEHE.)

Anyway…salamat kay Nawawala at napasaya niya ang araw ko:

Ely Buendia’s (a.k.a OMG IT’S ELY!!!) Coke Zero Commercial

The Eraserheads’ Sandbox Commercial

OMG, I can’t believe na may TVC sila ulit together!!!

Iyon lang muna. Magninilay-nilay muna ako kung ano ang i-a-update ko.

Share This Post
Written By: ptvj on June 12, 2009 3 Comments

Hindi man ako nag-a-update pinapanood ko pa rin ang TD every now and then. Sorry mga kapatids, nakakatamad na kasi talagang gawan ng update ito pero sige na nga mag-a-update na ako soon.

Habang pinapanood ko ang paglilitis (naks lalim nun) kay JR, andami-daming kong panlalait tanong na naiisip:

Bakit ang mga lawyers pa rin nila ang nasa trial? Di ba hindi naman sila mga criminal attorneys? At saka bakit iyong lawyer nina Ingrid ang nagtatanong kay JR? Hindi naman siya ang prosecutor!

Pilit nilang tinatanong kung sa tingin daw ba ni Dave/Audrey na kayang pumatay ni JR. Ano ba namang klaseng tanong iyon. And besides, sabi nga ng kapatid ko sundalo si JR so may kakayahan itong pumatay ng tao.

Nakakasawa na ang galit ni Ingrid kay Audrey. Pramis man.

Verdict: Guilty. O ayan para raw magka-simpatiya tayo kay JR para kapag naging sila na ulit ni Audrey hindi na tayo magwala.

By the way, inalis na pala sa Tayong Dalawa si Jiro Manio kaya hindi na pinapakita si Stan.

Iyon lang muna. Bow.

Share This Post
Written By: ptvj on May 29, 2009 1 Comment

A week’s summary in less than 55 words:

Nabaril si JR. Nanganib ang buhay niya. Kailangan niya ng kidney. Si Dave lang ang pag-asa nila. Nakiusap si Audrey. Tumanggi si Dave. Nakiusap ulit si Audrey. Tumanggi si Dave. Pumayag na si Dave. Naloka sina Ingrid at Elizabeth. Kasal ang gustong kapalit ni Dave. Pumayag si Audrey. Nagpakasal sila. Naligtas si JR.

O di ba. Iyan lang naman talaga ang nangyari pinahaba pa ng pinahaba. Tapusin niyo na nga yan.

Share This Post
Written By: ptvj on May 22, 2009 Leave a Comment

Inoperahan si JR. Patuloy pa rin ang pagdadasal ng pamilya niya para sa kaniya. Kailangan niya ng kidney donor.

Tinawagan ni Ingrid si Elizabeth para ibalita. Worried si Elizabeth kay Dave pero walang pakialam si Ingrid, karma lang daw iyon.

Nakibalita si Dave sa taga-NBI kung may lead na sila tungkol sa pagkakabaril ni JR. Which is wala pa.

Nakokonsensiya si Greta kaya magbo-volunteer siya na maging donor ni JR kung magmamatch siya. Nagselos si Ramon pero walang paki si Greta. Ganoon din si Audrey, magpapablood test siya para malaman kung viable donor siya.

Nalaman ni Marlene na walang assignment si JR kaya hindi nila alam kung ano ang nangyari sa kaniya. Basta ang alam nila, pupuntahan niya si Stan.

Mas lalong naguilty si Audrey noong sinabi ni Dolores na kay JR nanggaling ang mga groceries…tapos kumanta si Gary V.

Nagpa-test na sina Ramon, Greta, Audrey at Angela para malaman kung pwede silang magdonate. Hindi raw pwedeng magdonate sina Rita at Marlene dahil sa edad nila.

Tinanong ng mga pulis kung nasaan si Dave the whole day, sinabi ni Dave na nasa trabaho siya at kahit itanong nila sa mga tauhan niya at tignan ang surveillance camera andun siya. Same with Stan, naroroon siya maghapon. Sinabi ni Dave na hindi niya kayang patayin si JR.

Ka-match ni Ramon si JR. Pero hindi raw niya alam kung gusto niyang i-donate iyon kay JR. Pinuntahan ni Ramon si JR at naalala niya noong mga bata pa sila.

Pinuntahan ni Audrey si Dave pero tinarayan siya ni Ingrid. Kung si Ramon nga raw hindi pumayag, what makes her think na papayag si Dave na magdonate. Pinalayas ni Ingrid si Audrey.

Ang sama raw pala ni Ramon, sabi ni Stanley. Nanganganib raw ang buhay ng kapatid niya hindi niya tutulungan? Mabuti nga raw at hindi na nagtatrabaho si Stan kasama si Ramon.

Nakiusap sina Marlene at Rita kay Ramon. Pumayag naman siya. Nalaman ni Greta na may plano si Ramon kaya siya pumayag. Pag ginawa raw kasi niya ito, magkakaroon siya ng habang buhay na utang loob si JR sa kaniya. Sinabi ni Greta na hindi siya naniniwala sa mga pinagsasabi nito, alam niyang ginagawa niya ito dahil mahal niya si JR. Saksi daw si Greta sa closeness nilang magkapatid noon at alam niyang nagi-guilty din si Ramon.

Tine-test na si Ramon para iprepare sa surgery.

(more…)

Share This Post
Written By: ptvj on May 21, 2009 2 Comments

Nagalit si Audrey kay JR noong muli nitong sinabi na baka may kinalaman si Stan sa pagkakasunog ng bahay nila. Pinaalis ni Audrey si JR.

Nashock si Greta noong malaman niya ang nangyari. Sinabi niya kay JR na tulungan nila sina Audrey perso sinabi niya na tinanggihan ni Audrey ang tulong niya.

Pinuntahan ni Stanley si Audrey para sabihing malas siya. Paano raw nila aalagaan si Robert kung ang bahay nila hindi nila maalagaan. Ayaw ibigay nina Audrey at Angela si Robert dahil sila ang legal guardian. Sinabi ni Stanley na kukunin niya si Stan.

Naguilty naman si Stan noong sinisi ni Stanley si Audrey sa pagkakasunog ng bahay nila. Sinabi ni Stan na walang kasalanan ang ate niya.

Interesado naman si Greta sa operation ng business ni Ramon. Pumayag naman si Ramon. Tuturuan daw muna niyang humawak ng baril si Greta.

Nahuli nina JR ang teroristang bumihag kay Dave dati.

Nakalipat na sa apartment sina Audrey at binigyan sila ng groceries ni Dolores na galing kay JR pero hindi alam ni Audrey iyon. (Mga tanga, nagpark ba naman si JR sa harap ng apartment nina Audrey.)

Gustong umutang ulit ni Stanley kina Ingrid para makapagpatayo ulit ng bahay pero hindi siya pinautang dahil marami pa siyang utang sa kanila.

Nakilala naman ni Audrey ang isa sa mga magulang ng estudyante niya. Na-late kasi ito ng pagsundo sa bata dahil sa trabaho at wala na siyang ibang inaasahan dahil namatay na ang asawa nito. Nag-volunteer naman si Audrey na magbantay sa anak nito. Nasabi sa kaniya ng babae na ang mas masakit daw sa pagkamatay ng asawa niya, mahal nila ang isa’t isa pero dumating ang point na feeling niya nasasakal siya (and insert here lahat ng mga excuses ni Audrey kay JR) kaya siya umalis at doon binawian ng buhay ang asawa niya. Noon daw niya narealize na wala ng saysay ang lahat dahil wala na ang lalaking mahal niya. (more…)

Share This Post
Copyright © 2009 Pinoy TV Junkie, All rights reserved.| Powered by WordPress| Indy Premium theme by Techblissonline.com