LOBO - Episode 116
Hinuhuli ni Anton si Gaby para malaman kung sino ba talaga ang trumatraydor sa kanya. Kinakabahan si Gaby dahil sinasabi ni Anton na may pasensya sya sa mga tauhang tanga (dahil nakatakas sila Trixie), pero sa tauhang traydor ay wala daw. Kaya pasensyahan nalang daw sila. Biglang pinahuli ni Anton si Ylvanna at nakahinga nang maluwag si Gaby. Nagwawala si Ylvanna dahil hindi sya makapaniwala na sya ang pinahuhuli ni Anton.
Sinabi ni Anton na si Ylvanna daw kasi ang nakatoka para magbantay kina Trixie, at nagawa pa nitong makatakas pati ang dalawang bata. Siguro naman daw ay hindi ganon katanga si Ylvanna kundi traydor lang. Sumisigaw na sinasabi ni Ylvanna na si Gaby ang traydor at hindi sya.
Naniniwala naman si Anton na si Ylvanna ang traydor dahil umpisa palang ay parati na daw nitong kinukuwestyon si Anton, at hindi daw si Gaby ang traydor dahil handa itong itaya ang sariling buhay para lang sa layunin ni Anton. Nagwawala parin si Ylvanna kaya tinurukan sya nang bantay nang pampatulog. Ayaw na daw ni Anton na makarating pa sa kabilang kampo ang mga plano nya, kaya pinakukulong nya si Ylvanna.
Itinipon at kinausap ni Noah ang mga taong lobo at humihingi nang tulong para mailigtas ang mga kasamahan nila. Nag-alala naman ang isang babae na baka hindi makabalik nang buhay ang kani-kanilang asawa’t anak. Sinabi ni Noah na hindi nya masisiguro iyon. Isang lalaking taong lobo naman ang nagtanong kung bakit sila sasama kung alam naman daw nilang ganon kadelikado at pwede silang mamatay. Sumagot si Lady Elle na dahil mamamatay din naman daw silang lahat at maraming ordinaryong tao ang madadamay kung hindi sila magtutulungan.
Nangako naman si Lyka na gagawin nila ang lahat para matapos ang gulo at makabalik na sila kani-kanilang buhay. May isang babaeng nagsabi kay Lyka na pagkatapos daw nang pulang buwan, iyon daw ang inaasahan nila (ang mamuhay nang tahimik) pero hindi naman daw natutupad. Lahat ay sumang-ayon sa babae.
Si Anton naman ay binigay ang gagamiting bomba kay Gaby. Kahit kinakabahan at natatakot hindi nagpahalata si Gaby at nagpasalamat (kunyari) kay Anton dahil sa pagtitiwala nito. Sinabi ni Anton na walang anuman daw iyon dahil ang nararamdaman ni Gaby para kay Noah ay nararamdaman din ni Anton kay Lyka, at pareho silang sinaktan kaya iyon daw ang isusukli nila. Tinanong ni Gaby kung para saan ang mga bomba.
Sinabi ni Anton na they will place the bombs on specific areas kung saan magiging effective ang gamot na nilikha nya. Pero huwag daw mag-alala si Gaby dahil naihanda na nila ang lahat, all she has to do is wait. Ang inaalala lang daw ni Anton ay ang kaligtasan ni Gaby dahil inatake daw sya ni Noah. Si Gaby nalang daw ang kakampi ni Anton and he cannot let anything to happen to Gaby daw. Gustong manghina ni Gaby sa nerbyos.
Kinausap muli ni Noah ang mga taong lobo at sinabing pumunta sya sa kweba ni Remus at pinagdaanan ang mga pagsubok. At ang pinakamahirap daw ay ang danasin nya ang pagiging isang taong lobo. Kahit hindi na sya katulad nila, naranasan daw nya ang lahat.
Si Anton naman ay may pinahuli na isang lalaki (isang tagapangalaga) at pag-e-experementuhan nya ito. Sumisigaw ang lalaki at sinasabing hindi nya alam kung saan sila Lady Elle.
Ikwinento ni Noah na doon nya lubos na naintindihan ang sinabi daw sa kanya nang isang dakila nyang kaibigan – ang nauna sa kanyang kinalalagyan ngayon. Sinabi daw sa kanya na sila (ang mga taong lobo) ang isa pinakamagandang nilalang sa mundo. Hindi kinakitaan nang kahinaan, handang magpatawad at may kakayahang lubos na magmahal kabila sa lahat nang dinanas nila.
Pumasok naman si Gaby sa kanyang kwarto at binuksan ang kanyang laptop. Trinace nya ang camera sa loob nang kwarto at nakita nya ang ginawa ni Anton sa pag-transform nang isang ordinaryong tao into a taong lobo (by using the red gas.) Nasindak si Gaby. Pagkatapos maging isang lobo ay nagsa-anyong tao ulit ito at lumabas sa palad nito ang ‘sign’ na katulad nang kay Anton. Tuwang tuwa si Anton dahil successful ang experiment nya.
Kinakausap parin ni Noah ang mga taong lobo at sinasabi na ang lakas nila ay hindi sa armas kundi kung ano ang meron sila – ang lakas nila ay ang pag-asang nasa puso nila, respeto at pagmamahal sa isa’t isa. Kung matutulungan sila ay magtatagumpay daw sila; magkakaroon sila nang isang bukas na maayos at maganda. Sana daw ay maasahan sila (ang mga taong lobo) sa hangaring iyon. May isang lalaki (taong lobo) na umagree sa sinabi ni Noah, at hindi na daw nila kailangang ipasa pa sa kanilang anak ang mga dinanas nila. Nahikayat na din ang mga iba sa layunin. Natuwa naman sila Noah.
Pinaghanda ni Gaby nang juice ang dalawang bantay sa labas nang kanyang kwarto. Maya-maya ay nakatulog ito dahil nilagyan pala ni Gaby nang pampatulog ang juice. Nang malaman nya na safe ay tumakas si Gaby.
Nakabalik na si Nessa at tuwang tuwa si Lyka. Sinabi ni Nessa na siniguro muna nya na hindi sya nasundan ni Anton o mga tauhan nito kaya sya nagtagal. Pinakawalan daw sya ni Anton para magdala nang mensahe para kay Lyka – hihintayin daw ni Anton si Lyka bukas hanggang hating-gabi, dala ang pinangako nya kay Lyka. At sa bawat oras na hindi dumating si Lyka ay may mamamatay na taong lobo at may sasabog na bomba na magkakalat nang dugo nang lobo sa ordinaryong tao. Humingi nang paumanhin si Nessa kay Lyka dahil akala daw nya ay mababago daw nya ang isip ni Anton pero iba na daw ito ngayon.
Kinausap ni Noah si Lyka at tinanong kung saang lugar daw ang sinasabi ni Anton (kung saan sila magkikita ni Lyka) sa San Adolfo o sa mansion? Hindi din alam ni Lyka, pero kung saan man daw iyon ay pupuntahan nya. Ayaw sana ni Noah pero sinabi ni Lyka na sya ang kailangan ni Anton kaya sya ang haharap dito. Hindi pumayag si Noah, sasama sya kay Lyka. Sinabi ni Noah na mas importante ang maligtas nila ang mga taong lobo bago pa maubos ito ni Anton at hahanapin nila ang bomba, pagkatapos ay saka nila haharapin si Anton.
Biglang dumating si Gaby at kinonfirm ang 4 na bomba at isasabog sa hangin ang dugo nang taong lobo pero hindi katulad nila Lyka (puting lobo), kundi katulad daw ni Anton (bad lobo) na may marka at kasing bangis nya. Sinabi din ni Gaby na nilagyan na nya nang tracking devices ang mga bomba pero hindi pa tumitigil kung saang lugar. Pinasundan na daw ni Gaby kay Andrew ang pag-trace sa bomba pero may mga escorts daw ito kaya mahihirapan i-intercept na walang casualties na civilians. Tuwang tuwa si Lyka na niyakap si Gaby at nagpasalamat dito.
Kinausap ni Noah si Gaby at sinabing huwag na itong bumalik doon (kina Anton) dahil hindi na kailangan. Sinabi ni Gaby na sya lang ang nakakalapit kay Anton para sa kanila at hindi nya pwedeng bitiwan iyon. Nakangiting ikinuwento ni Noah ang kanyang panaginip. Sinabi nya na si Gaby daw ang kanyang napangasawa at hindi si Lyka. Sa piling daw ni Gaby ay tahimik at maayos ang lahat, mahal nila ang isa’t isa, at masaya sila – that made Noah daw to realize na kung si Gaby ang napangasawa nya, he’ll be lucky and he’ll be a very happy man. Naiyak naman si Gaby sa sinabi ni Noah. Sinagot naman ni Gaby si Noah na he won’t be as happy as he is right now, panaginip lang daw kasi iyon at pinili ni Noahng gumising sa tama at sa totoo.
Sabi ni Gaby na dati daw ay nabuhay din sya sa panaginip that she can still have Noah. Pero wala daw sa isip nya na hindi naman daw talaga nawala si Noah sa kanya, at sabi daw ni Choi na mahal sya ni Noah kahit minsan daw ay matigas ang ulo nya. Kaya kung ano man daw ang mangyari sa kanya ay handa sya and no regrets. In case na namiss daw ni Noah, isinakripisyo na daw ni Gaby ang puso nya. Kaya kung hindi nya matutulungan sila Noah at Lyka, mauuwi sa lahat nang sakripisyo nya. Nagpasalamat si Noah kay Gaby at hinalikan nya ito sa noo. Nagyakap ang magkaibigan.
Kausap naman ni Nessa si Adolfo at sinabi nya na gusto nyang magising na kasama nya sina Lyka, Lady Elle at silang lahat at wala nang masasaktan sa mga mahal nya sa buhay. Sabi ni Adolfo na makakalimutan din ni Nessa ang mga sakit sa nakaraan nito at mawawala ang lahat sa pangamba sa puso nito; kung sakaling dumating daw iyon ay nandoon lang daw sya sa tabi ni Nessa, naghihintay at aagapay kung hahayaan daw ni Nessa. Matamis na ngiti ang binalik ni Nessa at sumigla ang puso ni Adolfo (naks!)
Si Trixie naman ay pinapatulog na ang dalawang bata. Niyakap sya nila Annie at Tikboy at tinanong nya kung para saan iyon. Sinabi ni Tikboy na kung hindi nilabanan ni Trixie ang tadhana ay baka wala pa doon sila Lyka at Noah. Kahit nasaktan daw si Trixie ay lumaban parin ito sa tadhana. Mabuti nalang daw at tumigil na ang parusa dahil tama naman daw na kampihan ni Trixie ang mabuti. Dagdag pa ni Tikboy na huwag mag-alala si Trixie dahil babantayan daw nila (Tikboy at Annie) at hindi sila takot. Kung marami daw lumalaban para sa mabuti ay ganon din daw sila, sabi ni Annie.
Pinapanood pala ni Lady Elle ang tatlo habang nag-uusap at naalala nya si Manolo nang ito ay magpropose sa kanya. Kinausap sa isip ni Lady Elle si Manolo at sinabing “please watch over them Manolo. Please watch over all of us like what you always do.” Naalala din ni Elle kung paano sya kino-comfort ni Manolo everytime she will fret. Miss ni Elle si Manolo at sya lang daw ang nakakapagbigay nang lakas nang loob sa kanya, nagpasalamat muli si Elle kay Manolo.
Si Anton naman ay hawak hawak ang family picture nila at sinasabing minahal nya sila nang lubos pero iniwan din sya. Sinabi nya sa ina na hindi masasayang ang hirap nito dahil maipaghihiganti nya ito sa mga pumatay sa kanya. At si Lyka naman daw ay mare-realize nito na wala nang ibang lugar kundi sa tabi nya (Anton.) Tumayo at tinawagan ni Anton ang Madam General (nang mga Luna) at ibibigay na daw nya ang mga coordinates nang locations nang mga bomba.
Kinausap ni Noah si Lyka dahil araw na nang pagharap nila kay Anton. Hindi parin daw matanggap ni Noah na si Anton ang kalaban nila. Si Lyka naman ay nakakaramdam nang awa, takot at pagmamahal ang nararamdaman nya kay Anton dahil kuya parin daw nya ito. Kinuha ni Noah ang bullet case at naglalaman nang isang silver bullet. Gusto nyang magpaalam kay Lyka at sinabi nyang iyon nalang daw ang natitirang bala na nakuha nya kay Silva. Bala na hinaluan nang dugo nya para lasunin ang lahi nang mga taong lobo. Tinago daw iyon ni Noah dahil ayaw nyang makasakit pa nang lahi ni Lyka. Pero baka iyon lang daw ang kailangan para mapigil nila si Anton at baka dumating din sa punto na kailangan nila itong patayin para mapigilan.
Tinanong ni Noah kung handa ba daw si Lyka sa posibilidad na iyon – nalungkot si Lyka. Kinausap ni Lyka si Noah at pag may nakita daw itong nagpapalit nang balat sa harap nito ay tumakbo na daw si Noah, dahil sinakripisyo na daw nito ang kakayahan nito at makakagat na daw si Noah nang lobo. Sabi naman ni Noah na mas mabuti iyon dahil 2 na daw silang magiging taong lobo. Nag-aalala parin si Lyka dahil pwedeng mamatay si Noah at hindi daw nya iyon kakayanin.
Nangako si Noah kay Lyka at hinalikan ang kamay nang asawa. Mangako din daw si Lyka sa kanya na pagkatapos nang lahat ay tutuparin nila ang pangarap nilang dalawa. Magpapakasal daw ulit sila, maha-honeymoon, bubuo nang pamilya at magkakaanak – mga lima. Nangako si Lyka at nagyakap ang mag-asawa. Biglang nag-ring ang cell ni Noah at si Gaby ang tumawag. Ipinaalam nya na naghiwa-hiwalay na daw ang mga bomba at tumigil sa iba’t ibang locations ang 3 bomba. Hindi nya alam ang exact locations dahil nailagay lang nya ang tracking devices sa boxes.
Kinakabahan si Gaby dahil she lost 2 (bombs), bigla nalang daw nawala kanina. Pinapaalis na ni Noah si Gaby doon dahil baka nadiscover na daw yung mga tracking devices. Ayaw ni Gaby na umalis hangga’t hindi nya nakikita ang dalawang bomba. Nakita ni Gaby sa device nya ang kinaroroonan nang bomba – nandoon sa mansion ni Elle…pero papalapit sa kanya. Pag lingon ni Gaby ay nakita nya sila Anton at Ylvanna at hawak hawak ni Anton ang tracking device. Naputol ang pag-uusap nila at kinabahan si Noah, sinabi kay Lyka na baka nahuli na daw ni Anton si Gaby.
Kinaladkad ni Anton si Gaby at sinabi na hindi talaga sya naniniwala na kayang barilin ni Noah si Gaby dahil napakalambot daw nang puso ni Noah, kaya nya nalamang trinatraydor sya ni Gaby. Hawak-hawak si Gaby nang 2 tauhan ni Anton. Sinabi din ni Anton na gumawa sila nang palabas ni Ylvanna. Magaling daw si Gaby dahil hindi nila namalayan na umalis si Gaby sa apartment nya, kaya may consequence si Anton.
Inactivate na ni Anton ang timer para sa bomba at sinabi nya kay Gaby na hindi na nito mapipigilan ang pagsabog nito at mamatay ang mga kasamahan nya nang mas maaga – dahil daw ito sa katrayduran ni Gaby. Huwag daw mag-alala si Gaby dahil hindi nya ito papatayin dahil sayang ang talino nito, gagawin daw nya na katulad nila si Gaby. Magiging sunud-sunuran na daw si Gaby at hindi na sya makakapag traydor pa ulit. Pinahiga at pinosasan si Gaby. Nakatanggap nang tawag si Ylvanna at nalaman na nya kung saan nagtatago sila Lady Elle.
Inutusan sya ni Anton na puntahan at hatiin ang mga tauhan. Si Anton naman daw ay maghihintay sa kaharian nya, ito na daw ang panahong hinihintay nila ni Ylvanna – malapit na. Nagwawala si Gaby sa kinahihigaan. Katabi ni Gaby ang bomba na magsasabog nang dugo nang taong lobo. Nagmamakaawa si Gaby na itigil na iyon.
Tatakas si Lyka kay Noah para harapin si Anton. Kinuha nya ang bala na ipinakita ni Noah sa kanya. Nilagay nya iyon sa kanyang baril. Nakalabas na si Lyka.
Si Anton naman ay naghihintay kay Lyka sa may bubungan nang isang simbahan. Malapit na daw mabuo ang kaharian na iaalay nya kay Lyka. Nag-apoy ang buong katawan ni Anton, nagliliyab.
Teasers:
- Na-save ni Noah si Gaby. SAbi ni Gaby na pag na-trace nila ang mga bomba ay kaya nya itong i-hack.
- Sinasabi ni Gaby na may 4 na bomba si Anton. Iniwan daw sa kanya ang isa, pero hindi nya alam kung talagang doon naimplanta ang mga bomba. Na-trace na ni Gaby ang locations nang mga bomba. Isa sa restaurant, isa sa may park….
Tags: Lobo, Lobo Episode 116











huh, huh, huh!!! Ewan ko kung bakit naiyak ako sa episode kagabi: 1st, nung nagyakapan sila Lyka at Gabby; 2nd nung nag-usap at nagyakapan sila Noah at Gabby; and 3rd, nung nag-usap sila Noah at Lyka tungkol sa araw ng pagharap nila k Anton…
tikgirl
mukhang dibdiban ang panonood mo sa lobo kagabi
dibdiban din ang comment mo.
thanks ate ara for doing today’s epi. 2 episodes na lang
btw, ang pogi talaga ni andrew.
macky, inggit ka lang kasi siguro di ka nakanood,
ako naiyak ng magreminice si lady elle kay manolo. kahit hindi sila kinasal parang nabuhay sila na magasawa. He was always been there for ladu elle to love and protect her.
namiss ko rin si manolo. bwisit talaga ang mga writers at pinatay pa si choy at manolo. pero yung pagka-patay kay choy, siguro it gives way for the gabby/alec tandem. pero useless talaga ang pagpatay kay manolo. ayaw na kasi nilang magbayad ng talent fee eh. kasi maraming extra ngayon.
no car, sayang nga pero at least matagal silang nagsama…ang tanong nag-honeymoon kaya sila?
annedito, siguro kaya nila pinatay si manolo kasi siya ang in-charge sa pagtatago ng mga taong lobo pati na ang pagkuha sa manpower na kakailanganin nila sa mga times na kagaya ng nangyayari ngayon. pero asar din ako at pinatay nila ang lover boy, er, lover man ni lady elle.
hahaha…namboso pa tayo kanila elle at manolo. di ba doon na natutulog si manolo kay elle? ano naman ang ginagawa nila? nag-jack n poy?
annedito, malay mo they stayed up all night talking about their feelings. lol. gusto ko lang ma-assure na naka-score naman si manolo kay elle bago man lang siya nadedo. pero sabagay antagal na nilang magkasama tapos hanggang akbay lang ba sila? sus kung ako iyon bibigay ako
.
maybe they talked about plans to save ang lahi ni elle
palagay ko, naka-score siya ka sa tagal nilang nagsama. pero punong bantay si elle and general si manolo kaya medyo clean ang image nila sa public. now behind closed doors…