Home » Lobo

Lobo, Episode 117

Written By: ptvj on July 10, 2008 One Comment

Umalis si Lyka dala-dala ang baril na may bala ng dugo ni Noah.

Nasa itaas ng simbahan si Anton at hinihintay niya si Lyka doon. Malapit na raw mabuo ang kaharian niya na iniaalay niya para kay Lyka.

Nagliliyab ito sa itaas ng simbahan sa tapat ng krus at pinagliyab niya ang paligid ng simbahan.

Ino-orient ni Noah ang mga kasama nila tungkol sa gagawin nilang pagsugod. Hinahanap ni Noah si Lyka, sinabi ni Clarisse na kanina pa nito hindi napapansin si Lyka. Narealize ni Noah na pinuntahan ni Lyka si Anton. Nagbago ang plano nila at hindi na sasama si Noah sa pagsugod sa warehouse (kung nasaan ang mga bihag na taong lobo nina Anton) sa halip ay susugod ito sa mansiyon para iligtas si Gabby. Matutulungan daw siya ni Gabby na malo-locate ang mga bomba at baka raw alam nito kung nasaan si Anton (ibig sabihin hindi mo ililigtas si Gabby kung hindi nawawala si Lyka? LOL).


Speaking of bomba, ang isa sa mga bomba ay nakalocate sa isang party.

Nagdadalamhati si Lady Elle, gusto niyang tumulong pero wala na siyang lakas. Sinabi naman ni Nessa na isinakripisyo ni Elle ang lakas niya para kay Lyka. Ang kapangyarihan daw nito ngayon ay ang pagpapalakas ng loob sa lahat ng mga naroroon.

Nasense ni Trixie si Ylvana (ang hina ng radar ni Trixie) at dumating na nga sila. Walang sabi-sabing binarilni Ylvana si Nessa. Natamaan si Nessa sa may shoulder blade niya.

Sinabi ni Ylvana na napapaligiran na nila ang kampo. Isang maling galaw lang daw nila ay papatayin sila ng mga ito. Uunahin daw ni Ylvana si Lady Elle. Sinubukang labanan ni Lady Elle si Ylvana pero sayang mahina na si Lady Elle compared to Ylvana.

Natagpuan naman ni Noah kung saan nakakulong si Gabby. Hindi raw alam ni Gabby kung nasaan si Anton. Susubukan nina Gabby at Noah na i-trace kung nasaan si Anton.

Nakiusap si Lady Elle na i-spare nito ang ibang mga kasama niya, siya na lang daw. Pnagbubugbog ni Ylvana si Lady Elle. Tignan daw nila ang punong bantay nila, sabi ni Ylvana. Sinabi ni Elle na pwede pa siyang bumalik sa kanila, pero ayaw ng makinig ni Ylvana.

Less than 2 hours na lamang at sasabog na ang mga bomba.

Binubugbog pa rin ni Ylvana si Lady Elle (Buhay pa si Nessa, by the way). Sinabi ni Ylvana na wala na ang mga tumutulong sa kanila, kung hindi man sila patay, mga kampon na niya ang mga ito.

Natunton na nina Gabby at Noah ang ilan sa sa mga bomba. Pero sumabog na ang isa sa mga bomba (naku ha ba’t sa party pa inilagay ang bomba e kakarampot lang ang mga tao dun, kung sa Divisoria niyo nilagay `yan o kaya sa Mall of Asia).

Dumating sina Rodolfo, Clarisse atbpa. Binaril ni Rodolfo ang tuhod ni Ylvana.

Naabutan ni Lyka si Anton na nakaluhod sa harap ng altar. Sinabi ni Anton na alam niyang darating si Lyka. Kinuha ni Lyka ang baril niya at itinutuok iyon kay Anton.

Papatayin raw ba siya ni Lyka pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kaniya. Delusional pa rin si Anton, sasalubungin daw nila ni Lyka ang bago nilang mundo. Itigil na raw ni Anton ang kabaliwan niya.

Sinakal ni Rodolfo si Ylvana. Sinabi nito na utusan ni Ylvana ang mga tauhan niya para umalis or else babaliin nito ang leeg niya.

Mula daw ng makagat si Anton ni Nessa at maging lobo siya, pakiramdam niya nag-iisa lang siya sa mundo pero naroroon daw si LYka para sa kaniya. Ilang taon din daw siyang naghanap ng lunas sa pagiging lobo niya. Naroroon raw lagi si Lyka para sa kaniya at sigurado raw siya na susuklian ni Lyka ang pagmamahal nito sa kaniya.

Pinigilan ni Lady Elle si Rodolfo, magagaya lang daw siya kay Ylvana kung tinuluyan niya ito. Binitiwan ni Rodolfo si Ylvana at kinarga niya si Nessa (uuyyy!) Kinumbinse naman ni Lady Elle si Ylvana na magsisi na at pwede pa siyang sumali sa kanila. Nagkunwari si Ylvana na susuko na at sinaksak niya si Lady Elle sa tiyan noong nilapitan niya ito. Sinakal ni Rodolfo si Ylvana at sinaksak niya ito. Namatay na si Ylvana.

Naka-survive si Lady Elle dahil nanumbalik na ang kaniyang lakas (how convenient!).

Patuloy pa rin sa paglalaban sina Lyka at Anton. Dumating si Noah to rescue Lyka.

Teaser:

Patuloy pa rin ang labanan nina Anton at Noah.

Nabaril si Lyka.

Share This Post

Tags: ,

Digg this!Add to del.icio.us!Stumble this!Add to Techorati!Share on Facebook!Seed Newsvine!Reddit!Add to Yahoo!

One Response to “Lobo, Episode 117”

  1. annedito says on: 11 July 2008 at 10:29 AM

    ang bilis naman nakarating ni noah kay gabby. noon nagsasalita siya 2 hrs and 26 mins yung bomb tapos noon naligtas niya si gabby, 2:14 yung bomb. hindi ko alam nakuha na rin pala ni noah ang bilis ng mrs. niya. and yes, napaka-convenient naman ng pagbalik ng lakas ni lady elle. sana naman, pinahiga lang siya ng medyo matagal-tagal para maghilom ang sugat niya.

    pero ang cute ni rodolfo noon galit na galit sya kay ylvanna. kasi binaril ni ylvanna ang gf niya…hehe

Leave a Reply:

XHTML: You can use these tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

Copyright © 2009 Pinoy TV Junkie, All rights reserved.| Powered by WordPress| Indy Premium theme by Techblissonline.com