Lobo, The Finale

Posted by: ptvj on Friday, July 11th, 2008

In honour of today’s last episode, wala akong ilalagay na side comments — just the story. Ito na ang huli. Huhuhuhuhuhu!

Itinulak ni Anton si Noah sa pamamagitan ng apoy niya.

Nagkukunwari namang nagde-date sina Gabby at Alec para hindi mahalatang hinahanap nila ang mga bomba sa isang public place

Habang sa kampo naman nina Lady Elle ay may mga ordinaryong tao naman na tumutulong na rin sa kanila dahil iniligtas sila ng mga taong lobo in the past. Magaling na si Lady Elle at okay na rin si Nessa. Sinabi ni Rodolfo na nailigtas na ang mga taong lobong kinuha nina Anton at nailipat na nila ng mga lugar ang mga iyon. Pero wala pa siyang balita from Alec and Gabby pati na kina Lyka at Noah.

Sinaktan ni Anton si Lyka. Sinabi ni Noah na kung talagang mahal niya si Lyka hindi niya ito sinasaktan at nagtatago lang daw siya sa kapangyarihan niya. Hinamon siya ni Anton ng mano-mano at nagtuos sila. Ang nanalo ra sa kaniya mapupunta ang kapangyarihan.

In-evacuate ni Alec ang buong lugar bago nila binuksan ni Gabby ang lalagyan ng bomba. 45 minutes na lamang at sasabog na ito.

Patuloy pa rin sa paglalaban sina Noah at Anton. Kinuha ni Lyka ang baril at itinutok kay Anton pero Anton just blew her off using his fire balls.

Nadis-engaged nina Gabby at Alec ang bomba.

Nagawang pigilan ni Lyka si Anton mula sa pagtupok niya ng apoy kay Noah dahil nagkunwari siyang kumbinsido na siya kay Anton. Na walang ginagawa si Noah sa buhay ni Lyka kung hindi saktan ito. Lumapit si Lyka kay Anton at akmang hahalikan niya ito pero ginawa lang niya ito to get close para makuha niya ang cellphone ni Anton. Na-gets ni Noah kung ano ang gustong mangyari ni Lyka. Kinuha nito ang isang dagger na nakalagay sa may lower leg niya at tumayo siya para saksakin si Anton. Makukuha na sana ni Lyka ang cellphone pero bigla siyang sinakal ni Anton. Akala raw siguro ni Lyka maloloko niya si Anton ng ganoon na lamang. Pinagbabato ni Anton si Noah ng apoy habang saka sakal naman niya si Lyka.

Na-activate muli ang bomba. May second detonator ito. Gusto ng umalis ni Alec pero ayaw sumuko ni Gabby, gagawa daw siya ng paraan kahit 20 seconds na lang ang natitira.

Nagdarasal naman sina Annie at Tikboy para sa kaligtasan ng lahat.

Nagpumilit pa ring tumayo si Noah kahit hrirap na hirap ito at pingsasaksak niya si Anton. Masakit man sa loob ni Lyka na masaktan si Anton, tinulugan niya si Noah para masasak si Anton. Nakuha ni Noah ang cellphone at itinigila ang detonation ng mga bomba.

Tumigil ang bomba at 00:00:07:11. Tuwang-tuwa sina Alec at Gabby at nagyakap sila.

Nagyakap sina Noah at Lyka. Binaril ni Anton si Lyka pero nakita ito ni Noah at iniharang ang sarili. Nabaril si Noah.

Ibinalita ni Rodolfo kina Lady Elle na tumawag si Alec para sabihing tumigll na ang bomba. Tuwang-tuwa naman si Nessa, ibig sabihin raw noon ay nagtagumpay na sina Lyka at Noah. Niyakap niya si Rodolfo sa sobrang tuwa at niyakap rin siya ni Rodolfo at hinalikan sa pisngi si Nessa sa harap nina Lady Elle, Trixie, Annie at Tikboy. Napangiti naman si Nessa.

Biglang nagsalita si Trixie. Si Noah raw…tulungan nila si Noah.

Iyak ng iyak si Lyka. Hindi raw siya iiwan ni Noah. Nagmamakaawa siya kay Noah, huwag raw itong bibitaw.

Sinabi ni Lyka na patayin na lang siya ni Anton. Hindi raw niya kayang wala si Noah sa buhay niya.

Kinuha ni Lyka ang baril ni Anton at itinutok iyon sa sarili at binaril niya ang sarili niya. Kahit si Noah na nanghihina ay bumulong ito ng “huwag!” Pinigilan din siya ni Anton.

Flashback: Noong kino-comfort nina Anton at Lyka ang isa’t isa mula pagkabata hanggang sa lumaki. End of Flashback.

Umiiyak na si Anton, patawarin daw siya ni Lyka. Dinukot ni Lyka ang tiyan ni Anton at tinawag niya ang bato. Nagliyab si Anton at lumabas ang bato.

Anton disappeared into pieces.

Nanghihina pa rin si Lyka pero buhay pa siya. Buhay pa rin si Noah. Gumapang si Lyka papalapit kay Noah at niyakap niya ito. Naghawak sila ng kamay.

Noah: Hindi man sa lupa…sa langit…kahit sa susunod na buhay ko Lyka.

Lyka: Ikaw at ikaw lang… .

Nawalan silang pareho ng malay.

Tumulo ng luha ni Lyka sa moonstone. Biglang nag-shine ang moonstone. Puro liwanag na lang ang nakikita.

Ipinakita ang buwan.

Noah: Minsan, dahil sa kabiguan natin sa buhay, sandali tayong nawawala sa landas. (Ipinakita si Silva at ang tatay niya, si Clara noong namatay ito, noong sinaksak ni Silva si Lady Elle, noong naging masama na si Anton).

Lyka: Gumagamit ng lakas at kapangyarihan. Naghihiganti at nananakit ng kapwa. (Ipinakita noong nakuha na ni Anton ang kapangyarihan ng bato, noong namatay si Leon, noong nagtuos sina ROdolfo at Lady Elle, noong sinasaktan ni Clara si Lyka, noong namatay si Choy).

Noah: Ang mga magkakaibigan nagiging magkaaway (Ipinakita noong pinagbubugbog si Noah ng mga LUna, noong hinuli ni Gabby si Noah sa resort, noong nagtuos sina Gabby at Alec). Ang magkapamilya naglalaban-laban. (Ipinakita noong pinarusahan si Lorenzo ng mga magulang nilang ni Elle at ng iba pang Waya, noong naitulak ni Lyka si Clara ng buong lakas, noong nasakal ni Nessa si Clara, noong sinakal ni Anton si Nessa).

Lyka: At kung minsan pati sarili’y winawasak (Ipinakita noong kinuha ni Anton ang dugo ni Silva, noong ikinulong ni Anton si Lyka, noong nabaril ni Noah si Lyka).

Noah: Ngunit sa gitna ng hirap at sakit, may bahagi natin na pilit na sumisigaw. (Ipinakita noong bata pa si Nessa at ibinigay ni Lorenzo sa kaniya ang moonstone, nagyakap sina Lorenzo at Savannah).
Lyka: Na nagbibigay sa atin ng lakas (ipinakita noong hinalikan ni Nessa si Emil), na nagbibigay ng liwanag sa dilim (ipinakita noong mga bata pa sina Lyka, noong ibinigay ni Emil kay Noah ang moonstone).

Noah: Nag nagbubuklod sa atin, ano man ang edad, kasarian, kulay o lahi.

Lyka: Tumatanaw sa isang kaaway bilang isang kaibigan. (Ipinakita noong pinagtripang lokohin nina Rodolfo sina Choy at Noah, pati na noong umiiyak si Gabby kay Alec sa kasal nina NOah at Lyka, ipinakitang naglalaro sina Annie at Tikboy).

Noah: Hindi nagaalinlangan kahit na sa anong hadlang. (Ipinakita noong buhay pa si Leon, noong kinocomfort ni Anton si Lyka).

Lyka: Maging dikta ng tadhana o kamatayan man. (Ipinakita noong bata pa sina Lyka at Noah at noong buhay pa si Manolo noong nagpropose ito kay Elle).

Noah: At kung tayo’y bigo ang tanging nagbibigay ng pananalig at pag-asa..

(Ipinakita that first night they spent together sa resort; noong kasal nila)

Lyka: …Ay isang kapangyarihang ipinagkaloob sa atin: Ang Magmahal.

May white wedding na naganap: Nessa at Rodolfo. Sinabi ni Lady Elle sa isang pari (not Father Ben) na kahit na hindi siya ang pinakamalakas siya pa rin ang punong bantay dahil gusto niyang ipagkaloob sa apo niya ang simpleng buhay. Gusto raw sana ni Lady Elle na kausapin ng pari ang bawat pinuno ng mga kongregasyong may mga kalahi niya para makausap niya ang mga ito at makapagpakilala. Para na rin sabihing hindi sila kalaban at gusto lang nila ng kapayapaan. Sumang-ayon naman ang pari.

Tuwang-tuwa naman si Trixie na sinasabi kay Gabby na this year daw ay makikita na ni Gabby ang destiny niya. Pakipot na sinabi naman ni Gabby wala ng pulang buwan kaya wala ng powers si Trixie bilang gabay.

Inihagis na ni Nessa ang buoquet…si Gabby ang nakasalo.

Tinutukso ni Trixie si Gabby dahil nagde-date naman daw sila ni Alec. Sinabi ni Gabby na masaya naman daw kasama si Alec.

Inihagis na ni Rodolfo ang garter at umiwas ang lahat (Elton at Andrew) para si Alec ang makasalo.

Masama ang pakiramdam ni Lyka. Sinabi ni Noah na kung pwede lang na siya ang magsuka at mahilo gagawin niya. Sinabi ni Nessa na ganoon din siya noong pinagbubuntis niya si Lyka at mawawala rin iyon.

Tinawag na ni Elton ang lahat para magpapicture.

Noah: Dahil ang bawat isa ay nilalang sa pag-ibig

Lyka: Sa pag-ibig inaasahang mabuhay…tayong lahat.

Makalipas ang isang taon:

Masayang naglalakad sina Noah at Lyka kasama ang mga anak nilang kambal.

Naghalikan sina Lyka at Noah. )At Tumingin sila audience).

THE END

Share This Post
Topics: Lobo

12 Responses to “Lobo, The Finale”

dumbakoNo Gravatar Says:
July 11th, 2008 at 2:48 pm

thanks for the update ptvj! am so sad dahil tapos na ang lobo! what will happen to the Rehab, gagawa ka ba ng ibang rehab? nanghihina ata ako at gusto kong umiyak dahil goodbye na talaga ang lobo.huhuhuhuhuhuhu…….

moonie skyNo Gravatar Says:
July 11th, 2008 at 8:30 pm

ayan oh.. iyakan na ba? mamimiss ko talaga ang lobo.. wow! inabangan talaga yung finale sa big screen sa pantry ng opis namin.. grabe ang tindi! :oops:

lobo-fanNo Gravatar Says:
July 11th, 2008 at 9:26 pm

:cry: so sad…tapos na ang lobo..bibili ako ng dvd nito para sakin maipagmamalaki talga natin ang lobo!

jazzNo Gravatar Says:
July 11th, 2008 at 11:35 pm

im so sad..wala ng lobo..whats next kya kina piolo at angel..

JeffNo Gravatar Says:
July 12th, 2008 at 2:26 am

hi! i watched lobo since start and the story line is really great (from all the tele-serye ever produced so far) but im bothered and confused with the finale or last episode! it did not elaborate how noah or lyka survived all the wounds and the gun shots. next scene na lang is the wedding ( on earth or the after life???)

there’s nothing to be ashamed if it is a tragedy at all (if both died) since it will be a great plot just the same! however it seems hindi maka decide ang writers if nmatay or nabuhay ang two main characters. they just left it hanging for the viewers to decide if the partying at the end is a “production party” or a continuation of the story line. it is sad. the writers or director should be braver. it should be made clearer if the partying or wedding is a bonus scene or part of the story??

im not convinced that they have survived the gun shots or all the fire wounds. and the scene ended with a far view of the church with the two characters apparently dead on the church floor. it apppears that is the real ending.

parang they just added the wedding or partying just to appease the fans! but as a literary or film piece, it is not acceptable to do that to serious viewers.

ptvjNo Gravatar Says:
July 12th, 2008 at 2:51 am

dumbako, withdrawal symptoms on the way :lol:

moonie sky, hindi ako masyadong nakapag-emote marami akong kasamang nanonood e. papanoorin ko na lang ulit lol.

lobo-fan, naku ako rin bibili ng DVD. my friend just told me last night na may DVDs ng Lobo for rent sa video rental place malapit sa bahay namin.

jazz, gagawa yata sila ng movie.

jeff, i just thought the moonstone healed both of them. i treat the wedding scene as as gift to nessa’s character. after losing emil and lyka’s dad (i forget his name) she deserves another shot at love. that scene told us what happened to the characters after anton died. but of course, i was assuming that the moonstone, in fact, healed both lyka and noah.

nawawalaNo Gravatar Says:
July 12th, 2008 at 8:14 pm

aaaawwww.. naiyak naman ako sa ending. dun sa part na pansamantala silang namatay, tsaka nung humingi ng tawad si anton.. =( wawa naman. ang bait-bait pa naman nya dati, diba?

tsaka hindi makatotohanan yung ending! baket? kase sexy pa rin si lyka pagkatapos pa lang ng ilang buwan ng manganak sya! bwehehehehe… pero ok lang. =D

anneditoNo Gravatar Says:
July 14th, 2008 at 10:23 am

i commented pero bakit nawala :mad:

anneditoNo Gravatar Says:
July 14th, 2008 at 10:31 am

fine…i’ll rewrite…

i said i wanted to wait ’til i saw the episode before commenting. i somehow agree with jeff. the wedding scene was a great tribute to the characters and giving them the happy ending they deserved. pero naging anticlimatic tuloy ang finale. even yung pagka-baril ni lyka parang walang sense din eh. anton tried shooting lyka pero noah took the bullet. tapos when lyka confronted him, ayaw naman niyang barilin ni gago. it seems like this scene was created to show the significance of the moonstone which may or may not have healed them.

i still loved the series though and i’m willing to forgive the writers for bypassing alot of small details. kasi one of our favorite loveteam, rodolfo and nessa did end up together :grin: then even alec and gabby can have little puppies together :twisted:

one last complain i had about this episode, i agree with nawawala. bakit ang bilis sumeksi ni lyka after having twins??? even angelina jolie looked like she gained weight after pregnancy. pero i think kasalanan ng wardrobe dept yun. they should’ve picked a better outfit para hindi naman kita talaga yung abs ni angel no.

ptvjNo Gravatar Says:
July 14th, 2008 at 11:24 am

bawawala, oo nga it was sad to see anton die esp. iyong noong humihingi siya ng tawad kay lyka. biktima lang siya ng pagkakaton.

annedito, i don’t know what happened to your other comment wala rin siya sa admin section. i guess anton has a love-hate relationship with lyka. he’s so obsessed that he hated lyka when she was with noah kaya nagawa niya itong barilin then. but when she was just all by herself, nanunumbalik ulit ang pagmamahal ni anton sa kaniya? lol. addict na talaga ako, i’ll make excuses for anything. hehehe.

alam niyo masakit mang tanggapin, i’ve known a few people who didn’t gain any weight post pregnancy. my sister’s friend is really really skinny (ayokong sabihing sexy kahit totoo) and then she got pregnant but the only thing that got bigger during and after pregnancy were her boobs! mukha pa akong nanganak sa kaniya even if kahit tuta wala ako. :evil:

anneditoNo Gravatar Says:
July 14th, 2008 at 1:58 pm

ganun din ang sis in-law ko ptvj. payat pa rin kaya galit na galit ang pinsan ko sa kanya…hehe…pero dapat lang naman meron extra skin si lyka sa abs niya since na-stretch ng kambal no. yung outfit niya talagang kitang-kita yung abs. parang nag-compete pa sila ni piolo sa six-pack…lol

no carNo Gravatar Says:
July 14th, 2008 at 10:43 pm

:razz: m back!!!

I just watch d last 2 episodes kahit hindi masyadong extra dramatic ang ending. I’m still happy for it. during d confrontation nila anton noah and lyka, at the back of my mind “hindi naman mamamatay sila lyka and noah kasi sila and bida”. but then ng ma baril sila noah and lyka nasiisp ko baka mamatay sila tapos maging masaya nalang sila sa second life nila. pwede rin option yon diba ptvj para naman maiba ang ending. pero hindi pinagaling sila ng moonstone.parang ang corny pero okay na rin anyway from d start bida na ang moonstone na yan. :wink:

thanks ptvj, you are d rest of your team did a great job on this teleserye. Mabuhay kayong lahat!!! :smile: :smile:

 

Leave a Comment